Panalangin kay Santa Elena

Photo taken at Holy Cross Parish Church,
Noveleta, Cavite (January 14, 2019 7AM)
-Prayer for Saint Elena in Tagalog:

     Diyos na makapangyarian, tinawag mo ang iyong abang lingkod na si Elena sa gitna ng makamundong kapaligiran, dagli mong ipinadama sa kanya ang tunay na makalangit na pagpapala, pinuno mo siya ng ng iyong mga biyaya na maging mapagmahal at mapagmalasakit sa iba.
     Ipagkaloob mo sa iyong bayan na kami'y mamunga ng mabubuting gawa tulad ni Santa Elena na may katatagan sa aming pananampalataya. At higit sa lahat sa pamamagitan ng iyong awa at habag ay makamtan naming ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon na nabubuhay at naghahari kasama ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakaylanman. Amen.
(Banggiting ang iyong mga kahilingan)
     Santa Elena, huwaran naming sa pagpaparangal kay Kristo na makapako sa Krus, Ipanalangin mo kami.

Katolikong Parokya ng Banal na Krus

No comments: