Novena for NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE - Second Day

Kilala sa tawag na Nanay Paz eto po ang aming sinasambit sa novena sa araw ng kanyang pagdiriwang sa pagdating sa bayan ng Noveleta.

Panalangin sa ikalawang araw:

"Reyna at Panginoong mga Angheles, na may katungkulang magmalasakit sa kapurihan ng Diyos, at kagalingan ng tao.isinasamo namin sa iyo, alang-alang sa mga karapatan nitong mararangal na Espiritu ns hingin mo po sa Diyos ang ksgslingsng walang katapusan ng aking kaluluwa, na siya lamang na dapat pagpilitan ng tao., at siya rin naman ang kinawiwilihan ng Mahal Mo pong Anak na dahilan dito ay hindi Nya ipinagkakait at ipinagkakaloob ang kanyang kamahal-mahalang dugo, at gayon din naman igawad Nyo po sa amin ang biyayang hinihingi namin sa pagsisiyam na ito, kung baga ukol sa kapurian ng Diyos at kagalingan ng aming kaluluwa. AMEN."

Nanay Paz, tanglaw sa aming paglalakbay; Tungo sa iisang pananampalataya.

No comments: